Sunday, February 16, 2020

ANG PAGTATAKSIL NI SUPREMO ANDRES BONIFACIO - Unang Yugto

Ni Virgilio Leynes

Una kong natisod ang ginawang pagtataksil ni Supremo Andres Bonifacio laban sa pamahalaang himagsikan ni Pangulong Emilio Aguinaldo sa kinatha ni Gg. Epifanio delos Santos na nalathala sa Revista Filipina, noong Enero 1918. Ito’y sinundan ng aklat ni Cristina Aguinaldo Suntay na pinamagatang “Emilio Aguinaldo: Mga Gunita ng Himagsikan” na nalimbag noong 1964. Ang mga hibla naman ng mga salaysay ay hinimay-himay ni Alfredo B. Saulo sa kanyang aklat na may pamagat na “Emilio Aguinaldo – Generalissimo and President of the First Philippine Republic – First Republic in Asia” na lumabas noong 1983.
Narito ang salaysay ni Saulo tungkol sa pagtataksil ni Supremo Andres Bonifacio:
“Ang napakamahalagang labanan sa lagusang Pasong Santol ay nangyari halos isang araw pagkatapos na maitayo ang pamahalaang himagsikan (sa kumbensiyon sa Tejeros). Sa katunayan, ang labanan ay nagsimula noong nakaraang isang linggo, Marso 7, sampung araw pagkatapos na bumagsak ang población ng Dasmarinas, at mula noon ang naturang lagusan ay ilang ulit nagpalitan kamay; hahawakan ng mga Pilipino sa umaga, ngunit makukuha ng kalaban sa hapon; muling babawiin at muling kukunin. Kaya ang unang ginawa ni Pangulong Aguinaldo pagkatapos niyang manumpa ay tumawag ng pulong at doon ay napagkayarian na magpadala ng tulong sa mga Pilipinong nagtatanggol sa Pasong Santol. Ang mga nasa pulong – na tinaguriang “Asemblea Aguinaldo-Cavitena ” - sa Sta. Cruz de Malabon (Ricarte, 24) liban kay Aguinaldo ay ang kanyang pangalawang pangulo, si Heneral Mariano Trias Y Closas; ang direktor ng digma, si Heneral Emiliano Riego de Dios; at ang kapitan-heneral, si Artemio Ricarte. Narito ang salaysay mula sa isang dahon ng kasaysayan:
“Pagtapos ng panunumpa ng hapon din iyon [isinulat ni Aguinaldo] tinawag ko ang aking mga kasamahan – Heneral Trias at Riego de Dios – pati si Heneral Ricarte sa isang pulong. Sinabi ko sa kanila na kailangang lahat ng punong militar sa bawat bayan na hindi kasalukuyang nakikipaglaban ay magtungo sa Sta. Cruz de Malabon upang tumulong kay Heneral Crispulo Aguinaldo sa Pasong Santol.
“Hindi pa man ako natatapos ng aking sinasabi ay biglang tumayo si Heneral Artemio Ricarte at nagsabing siya daw ay nahihilo. Kaya lumabas agad at ni hindi man lamang nakapagpaalam. Nagulat ako sa ganitong pakita ng heneral ng ating hukbo. Ngunit hinayaan ko na lamang. Ibinigay naman sa akin ang suporta ng dalawang heneral na umayon sa aking mungkahi. Nang gabi ding iyon ay nagpadala ng pasabi sa lahat ng tropang Magdiwang.
“Nang magaalas-diyes ng umaga kinabukasan, Marso 24, masaya kong nakita ang pagdating ng isang batalyon sa pamumuno ni Komandante Andres Villanueva, anak ng dating ministro ng digma, si Ariston Villanueva, sa gabinete ni Bonifacio, na sumagot sa aking tawag. Kaya agad kong inutusan si Villanueva na pumunta at tumulong kay Heneral Crispulo Aguinaldo sa Pasong Santol. . . Isa-isang nagdatingan pa ang mga kompanya at batalyon sa Sta. Cruz de Malabon galing sa iba’t ibang munisipyo. Agad ko silang inutusang magtungo sa Pasong Santol.” (Aguinaldo, 185-187)
“Tila wala namang ibinungang masama ang pagwawalang bisa ni Bonifacio ng resulta ng kumbensiyon sa Tejeros noong makalawa. Ngunit nagkapagtataka ang ikinilos ni Ricarte. Nagkukunwari ba siyang maysakit nang bigla siyang tumayo at nagsabing nahihilo siya bago pa man natapos ni Aguinaldo ang tungkol sa pagpapadala ng tulong sa Pasong Santol? Si Ricarte ay kanang kamay ni Bonifacio at kalihim ng kumbensiyon sa Tejeros. Sa katunayan, si Ricarte ang nagpakana at nagsulong ng kumbensiyon sa simula pa sa tulong ni Bonfiacio, itinakda ang araw upang kaunti lamang sa pinuno ng Magdalo ang makakadalo dahil nakikipaglaban sila sa mga kaaway. Napakagaling ng pagpili sa araw ng kumbensiyon; walo lamang sa pinuno ng Magdalo ang nakarating. Masasabing si Ricarte rin ang nagayos at namigay ng mga balota. Maaring siniguro niya na lahat ay ayos – ayon sa plano – hanggang sa bumalik na ang mga balota at binilang. At anong saklap! Ang Supremo Bonifacio ng Katipunan ay sunod-sunod na tinalo ng isang Magdalong Katipunero (Aguinaldo) para sa pagka pangulo, at ng isang ministrong Magdiwang (Trias) sa pagka pangalawang pangulo. Mukhang nagulo yata ang mga plano! Pakiramdam siguro ni Ricarte na ang kanyang mundo ay bumagsak. Bigla siyang naguluhan dahil samantala ang kanyang idolo ay magkakasunod ang talo sa isang kalaban na wala naman sa botohan at saka sa kanyang tauhan at tagahanga, siya naman, si Ricarte ay napanalunan ang pwesto ng kapitan heneral. Sino ngayon ang hindi magdududa na walang kalukuhang naganap? Ito ang dahilan kung bakit ang hiyang-hiya si Ricarte ay hindi tinanggap ang kanyang pagkahalal, at nagpapakumbabang sinabi na hindi siya karapatdapat sa posisyon. At pagkatapos ipahayag ni Bonifacio na walang bisa ang resulta ng kumbensiyon hindi maatim ni Ricarte na tanggapin ang kanyang panalo. Ganyan kadikit ang samahan nila Bonifacio at Ricarte. Lahat ay nakatungtong sa maling akala.
“At itinuloy ni Aguinaldo ang kanyang malungkot na salaysay:
“At anong sakit ng pagkabigo at kalungkutan ang aking naramdaman nang malaman kong ang mga kawal na ipinadala sa Pasong Santol ay hinarang ni Heneral Ricarte sa utos ng Supremo. Ang mga kawal ay tinipon sa malaking bakuran ni Ginang Estefania Potente sa población ng San Francisco de Malabon kung saan sinabi sa kanila ng Supremo na huwag nang sumaklolo sa Pasong Santol kundi hintayin na lamang ang mga kalaban sa teritoryo ng Magdiwang. At isa pa, nagutos din ang Supremo na ako ay harangin at dukutin pag dumaan ako patungong Imus pagkatapos akong makapanumpa sa Sta. Cruz de Malabon.

“Nang malaman ko ang masamang balak na ito, napabutonghininga na lamang ako at nasabi ko sa aking sarili, “Ang ating paghihimagsik ay hindi magtatagumpay dahil sa kasakiman at mapaghiganting asal ng isang tao (si Bonifacio). Galit na galit si Heneral Trias at iminungkahi kay Aguinaldo na ipahuli ang mga taksil! “ (Aguinaldo, 187)
“Ano ang nangyari pagkatapos harangin ni Bonfacio at Ricarte ang mga tutulong sa Pasong Santol? Ang kasagutan ni Aguinaldo:
“Noong gabi ng Marso 25, parang kidlat na tumusok sa akin ang balita na nakuha ng kaaway ang Pasong Santol, at ang mahal kong kapatid na si Crispulo Aguinaldo ay napatay sa isang matindi at madugong labanan.” Si Heneral Crispulo Aguinaldo, na naging tapat sa kanyang sumpa, ay nakipaghamok ng higit sa kanyang kakayahan, ngunit sa dami ng kaaway at lakas ng armas ng kalaban ay nakubkob ang lagusan at nanaig ang kalaban – sa ibabaw ng kanyang bangkay.
“Tinanggap ni Aguinaldo ang balita ng lubos ang kalungkutan at pagdaramdam.
“Kung ang malakas na tulong na aking ipinadala sa Pasong Santol ay hindi hinarang [dagdag ni Aguinaldo], sana ay hindi lamang ang heneral na kastilang si Antonio Zaballa ang napatay at nalibing doon sa labanan kundi mas malaking disgrasya sana ang nangyari na lalong magpapalala sa biglaang sakit ni Gobernador-Heneral Polavieja.” (Aguinaldo, 188)
“Alam sa kampo ni Aguinaldo na si Polavieja ay nagkasakit dahil sa pagkatalo ng kanyang hukbo at pagkawala ng marami niyang opisyal at mga sundalo sa nakaraang labanan sa Anabu II. Kaya siya ay naghain ng pagbibitiw sa posisyon dahilan sa hindi daw siya tinulungan ng pamahalaan ng Madrid.
“Kung sana ay nagbalik na lamang si Bonfacio sa kanyang himpilan sa Magdiwang pagkatapos ng kumbensiyon sa Tejeros at doon niya ibinuhos ang kanyang hinagpis, at sinarili na lamang ang kanyang kabiguan, nagkaroon sana ang sambayanan ng malasakit sa kanya. Ang nangyari tuloy, pagkatapos na itayo ng Supremo ang Katipunan at alagaan ito ng apat na taon, sa ilalim ng mapagusig na mga Kastila, hanggang maging malawakang samahan ng 30,000 kasapi – ang Supremo ay tinanggihan at di binigyang halaga ng mga kadugo sa Cavite? Napakahirap isipin!
“Ngunit si Bonifacio na nagpamalas ng pagmamataas tulad ng isang dugong-bughaw na Manileno sa harap ng isang mahiyaing porbinsiyano, ay hindi matanggap ang kanyang pagkatalo ng walang sama ng loob. Hindi niya kinilala ang pamahalaang himagsikan, at ipinagpatuloy niya ang kanyang Katipunan, kahit sukdulang magisa na lamang siya. Ito ang malaking pagkakamali ni Bonifacio: hindi niya natanto na ang Katipunan ay nabuwag na pagkatapos na maitayo ang pamahalaang himagsikan, na siyang pumalit sa Katipunan. Samakatuwid wala ng iba pang samahan, ahensiya o kilusan na may katumbas na layunin ang maaring kasabay na kumilos dahil ang kailangan ng himagsikan ay isang natatanging kapangyarihan na magsusulong ng layuning pabagsakin ang rehimeng Kastila. Maaring di masama ang hangarin ni Bonifacio nang harangin niya ang mga tutulong na tropa – ang iiwas ang kanyang mga kawal Magdiwang sa labanan upang ihanda sa inaasahang pagsalakay ng kaaway sa teritoryo ng Magdiwang, ngunit hindi maikakaila na ang utos sa pagpapadala ng tulong sa Pasong Santol ay nagmula sa kapangyarihan ng pamahalaang himagsikan sa pamumuno ni Aguinaldo. Kaawawa ang sasapitin ng sinumang hindi makakaintindi nito!
“Ang pagharang sa tropa sa San Francisco de Malabon, na sanhi ng pagkakuha ng kalaban sa Pasong Santol at ikinamatay ni Heneral Crispulo Aguinaldo, ay nangyari katatapos pa lamang pagtibayin ang “Acta de Tejeros,” na isinulong ni Ricarte (Ricarte, 40) at nilagdaan ng 45 pinuno ng Magdiwang bago pa man nagpulong ang grupo ni Bonifacio sa bahay asyenda ng Recoletos noong hapon ng Marso 23. (Agoncillo, 361) Ang kasulutang ito ay unang kilos ni Bonifacio at kanyang mga kabig, lalo na si Ricarte, ng pagsuway sa pamahalaang himagsikan. Samantalang inihahayag ang sinasabing pandaraya na nangyari sa kumbensiyon, ang “Acta” ay nagsasaad ng mga bagay na napagkaisahan ng mga lumagda:
“Kami . . . ay nagkaisa na humiwalay sa kanila [tukoy ay si Aguinaldo at kasamahan sa pamahalaang himagsikan], at hindi namin ipasasailalim ang aming kabisera [Magdiwang] sa kanilang kautusan, mangyari na ang mangyari . . . Lumagda kami dito, at isinusumpa naming na inaalay ang aming buhay at ari-arian para sa kalayaan at kapayapaan ng panguluhan [pamahalaang Magdiwang] . . . at aming din pinagkayarian na sinuman sa amin ang lalabag sa kasunduang ito, siya lalabanan ng lahat ng walang awa . . . (Agoncillo, 224)
“Ang sinasabing pandaraya sa kumbensiyon na binanggit sa “Acta” ay ang mga sumusunod: (1) “walang bisa ng batas” ang kumbensiyon; (2) “napagalaman naming hinigpitan ang aming panguluhan”; (3) “ang mga balota ay ginawa ng isang tao lamang at ipinamigay sa mga taong hindi karapatdapat upang sila ang mamayani”; (4) “napagalaman namin na kami ay pinagkaisahan nila [ang mga Magdalo].
“Nasasaad din sa kasulatan na ang “di makatarungang pangyayari sa kumbensiyon ay pinatutunayan ng di nila [ang mga Magdalo] paggawa ng tala ng pinagusapan para sa aming lagda, at dagdag pa na sa katunayan wala ang aming mga “kapatid-opisyal” dahil sila ay naroon sa labas.” (Agoncillo, 223)
“Ang dalawang punto ng “Acta” ay mga sapantaha lamang at hindi naman napatunayan ng mga lumagda. Ang pangatlong bintang tungkol sa mga balota na ginawa daw ng iisang tao at ibinahagi sa mga hindi dapat bigyan ay hindi kapanipaniwala dahil lahat ng nangyayari ay tanaw-paningin ng mga tao ng Magdiwang, lalo na si Bonifacio at Ricarte, ang talagang nagpapatakbo ng kumbensiyon. Tungkol sa pangapat na bintang kung saan pinagkaisahan ang mga Magdiwang, ang “Acta” ay hindi nagbigay ng paliwanag kung ano talaga ang ginawa sa kanila, at hindi nilinaw ng walang kaduda-duda kung papaano nga ba sila pinagkaisahan. Malabong makakapasa sa isang hukuman kung isusumbong ang mga bintang.
“At sinasabing ang kumbensiyon ay di makatarungan dahilan sa walang naitalang mga pinagusapan na dapat nilagdaan, at ang bintang na ang kanilang mga opisyal ay nasa labas ng kumbensiyon ay parang sa isang bata sila nakikipagusap, walang katuturan o isang katangahan. Hindi ba ang kumbensiyon ay pakana ng mga Magdiwang? Sino dapat ang gagawa ng tala ng pinagusapan? Ang bumuo ng kumbensiyon ay siyamnapung porsiyentong delegado ng Magdiwang. Kung mayroong mga “kapatid-opisyal” na hindi nakapasok at nasa labas ng kumbensiyon, sila ay mga Magdalo, hindi opisyales ng Magdiwang. Ngunit walang ganitong reklamo ang mga Magdalo.
“Si Ricarte, ang tanging nakapagaral sa hanay ng mga Magdiwang, na siyang nagpakana ng tatlong anyaya kay Bonifacio na bumisita sa Cavite, at siyang umamin na nagsulong ng pulong ng mga reklamador, siya ang dapat umako ng pananagutan sa “Acta de Tejeros” na nagtulak sa pagkakawalay ni Bonifacio. At si Bonifacio naman, sa ginawa niyang pagpayag at paglagda sa “Acta” ay ipinakita niya ang kanyang kahinaan, lalo na ang kanyang walang kakayahang mamuno sa himagsikan. Hindi na kailangang sabihin na sinumang magkamali sa paghihimagsik, kahit maliit na bagay lamang ay buhay ang kabayaran. Ang himagsikan ay isang malubhang gawain, hindi isang laruan.
“Ang pagtatayo ng pamahalaang himagsikan ay isa nang “fait accompli” o katuparan, at hindi maaring buwagin ng isang “Acta de Tejeros” lamang. Hindi ito naintindihan ng 45 na lumagdang Magdiwang. (12 lamang ang nakikilala pa sa mga lumagda: Andres Bonifacio, Mariano Alvarez, Artemio Ricarte, Diego Mojica, Ariston Villanueva, Jacinto Lumbreras, Pascual Alvarez, Fr. Manuel P. Trias, (kura paroka ng San Francisco de Malabon), Luciano San Miguel, Santiago Alvarez, Nicolas Portilla, at Santos Nocon, tingnan sa Agoncillo, p. 360-361) Kaya para silang itinulak ng masamang hangin, dahil tumalon sila sa mali buhat sa isa ring mali. Nang kanilang isinigaw sa mundo ang hindi nila pagkilala sa pamahalaan ni Aguinaldo, hinusto nila ang kanilang “walang urungan” na kapasyahan sa pamamagitan ng pangalawa at lalong nakamamatay na kasulatan: ang Kasunduang Militar ng Naik (o Acta de Naic). Sa halip na 45 ang nakalagda sa kasulatan ito ay 41 lamang ang lumagda , kasama si Bonifacio, Ricarte, Pio del Pilar, at Severino de las Alas. (Agoncillo, 232) Anong nangyari sa apat na hindi lumagda? Sila ba kaya ay nanlamig?
“Ang unang hakbang sa pagtatayo ng hiwalay na pamahalaan na ginawa ng 41 lumagda ay nagkasundo sila sa isang lihim na pulong sa Naik noong Abril 19, 1897, halos isang buwan pagkatapos ng kumbensiyon sa Tejeros, na magtayo ng isang hukbo na pamumunuan ni Heneral Pio del Pilar, ang isa sa pinakamatapang na heneral ni Aguinlado sa labanan sa Binakayan at sa pagkakuha ng Talisay, lalawigan ng Batangas.
“Kami na nakalagda [sabi ng kasulatan], mga pinuno ng hukbo na nagkita-kita sa kumbensiyon na pinamunuan ng Punong Supremo [si Bonifacio] . . . ay pinagkaisahan na ang lahat ng kawal ay pagsasamasamahin sa pamamagitan ng pakiusap o sapilitan, sa isang hukbong isasailalim sa pamumuno ni Heneral Pio del Pilar.”
“Pagkatapos ihayag na wala silang ibang kikilalaning kapangyarihan kundi
“Katuwiran . . . at iyong mga matatapang ng pinuno [na bubuo ng hukbo], at ang mga lumagda ay nagsabing sinumang taksil ay parurusahan agadan [at nagtapos sa pamamagitan ng sumpa]: “Sumusumpa kami sa Diyos at bayang tinubuan na aming itataguyod ito [ang Kasunduang Militar ng Naik] hanggang hukay.” (Agoncillo, 231)
“Ang Kasunduang Militar ng Naik ay ganap na isang kataksilan. Nagaalab na ang himagsikan; ang mga Pilipino sa ilalim ni Aguinaldo ay nagtayo na ng isang tunay ng pamahalaang himagsikan upang mapabuti ang pakikibaka sa mga mananakop na Kastila; ang pagtatayo ng isang hiwalay na hukbo ay walang ibang tunguhin kundi ang pahinain ang lakas ng makapangyayaring pamahalaang himagsikan. Ibig din sabihin, sa pamamagitan ng Kasunduang Militar ng Naik, sina Bonifacio, Ricarte at mga kasama ay magbibigay tulong at ginhawa sa kaaway at ang kabiguan magiging bunga ng pagtutunggali ay kamatayan ng himagsikan.”
(Salin sa Tagalog ng mayakda mula Ingles sa dahong 134- 139 ng aklat ni Alfredo B. Saulo, “Emilio Aguinaldo – President of the First Philippine Republic, First Republic in Asia” (Phoenix Publishing House, Inc. Quezon City, 1983)

Sources cited in Saulo’s book named above:
(1) Agoncillo, Teodoro, “Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan”, (University of the Philippines Press, 1956)
(2) Aguinaldo, Emilio, “Mga Gunita ng Himagsikan”, (Memoirs of the Revolution), copyright 1964 by Cristina Aguinaldo Suntay (Manila, 1964);
(3) Ricarte, Artemio, "The Hispano-Philippine Revolution", Yokohama, 1927.

Thursday, November 14, 2019

The context of the Pact of Biak na Bato

by Tommy Matic IV
"What is it that you want, Don Pedro? That there be peace and that you be the one to bring it? After they have killed my brother Jose, ejected my family, confiscated our lands? Ah, Don Pedro, dig a deep well and fill it in with all the knives and spears in the world. Then ask me to jump into it and this Paciano Rizal will obey gladly. But never ask me for peace and the end of the Revolution, because it is impossible, absurd!"
- General Paciano Rizal upon meeting Pedro Paterno in Biak-na-Bato and refusing the handshake proffered by Paterno (thanks to Raywollesen Terco Fortes for this initial post).

It’s also important to remember the context of the Pact of Biak na Bato.
At the beginning of 1897 the Filipino Revolutionaries had liberated Cavite and put the Spaniards on the defensive. The Aguinaldo brothers were leading expeditions to Taguig and Pateros and other Katipunan branches were gaining strength and consolidating their local gains.
Of course, Spain would not just let them get away with it. Upon the outbreak of Revolution, former Governor Blanco called for reinforcements which came in the form of 15 expeditionary rifle battalions - the Cazadores. By the beginning of 1897 the new Governor General Polavieja and his field commander Lachambre were ready to go on the offensive.
With the experience of 1896 behind them, the Magdalo realized that only a single unified chain of command that encompasses all revolutionary forces would stand a chance against the better armed, better trained and better led Spanish forces which had NO DIVIDED LEADERSHIP PROBLEMS. The Katipuneros leadership was centered on the local Sanggunian (Council) and not, as so many assume, in Bonifacio’s Manila Katipunan leadership. The Katipunan simply did not have the administrative infrastructure to form a united revolutionary government. It was rather a CONFEDERACY of small local governments that did what they pleased and were not obligated to cooperate with nor support the actions of other groups and certainly failed to do so in a practical sense much of the time.
Thus the Magdalo proposed the replacement of the Katipunan by a true unified revolutionary government. Bonifacio and the ‘
Magdiwang refused, treating it as a power grab. If it was a power grab, however, it would have been a power grab by the Cavite council which had more than proven itself as a highly effective combat unit, something which NEITHER Bonifacio nor the Magdiwang could claim.
Another reason given for forming a new revolutionary government, stated by General Edilberto Evangelista, was that there were far more non-Katipuneros in their ranks than initiated Katipuneros. The revolution had outstripped the Katipunan organizational structure.
Evangelista was, by the way, the presidential candidate of choice of the young up-and-coming Magdalo general and mayor of Kawit, Emilio Aguinaldo. Evangelista was an ilustrado, highly educated and the man who arguably had the most to do with defeating former Governor General Ramon Blanco's massive Cavite offensive by constructing trenches that Spanish officers remarked were as good as European-built ones. He was, in Aguinaldo's eyes, the best man to lead a united revolutionary government.
The Magdiwang and Bonifacio refused and the debating at the Imus Convention ultimately ended without result when General Paciano Rizal arrived from Manila to report that his brother, legendary Doctor Jose Rizal, had been executed at Bagumbayan.
Thus at the beginning of 1897 the revolution still had no clear leader and no unified command structure that could organize local forces into proper divisions and corps, direct operations on a strategic scale and defend the disparate rebel strongholds against the Spanish counter-offensive that was already on the march.
Zapote Bridge, entry point to Cavite and Southern Tagalog

Tuesday, November 12, 2019

Colorized 1920s photo of Carmen Aguinaldo, the daughter of President Emilio Aguinaldo

A classic 1920s photo of Carmen Aguinaldo the daughter of the 1st Philippine President Gen. Emilio Aguinaldo. Digitally colorized by Jonjon Diquiatco Valle.



Cavite Trenches and Fortifications

Part of a research article on how the revolution was fought that Angelo Jarin Aguinaldo did for a research journal is a section on the vital role trenches palyed during the first phase of the revolution.
Mariano Alvarez, town president of Noveleta, realizing the benefits of the trenches ordered the fortification of the town along the coast. This was in preparation for the expected retaliation of the Spanish forces under Ramon Blanco.
Kalaw (1997) also related the presence of these trenches in the victory of Binakayan:
“Noong Nobyembre 9, sinimulang sumalakay ang hanay ng mga tauhang pinamumunuan ni Heneral Rios patungong Binakayan at Noveleta…SI Koronel Marina ay sumugod sa Binakayan, mula sa Pulborista, ngunit naharangan siya ng matibay at parisukat na tambak na lupang ligid ng kanal, na may barandilya at bambang sa nasasanggahan ng mga moog sa sulukan ng dagat at ng daang patungo Imus.”
Known to have built such kind of trenches is Edilberto Evangelista, a Belgian-trained Filipino civil engineer who came to Aguinaldo’s headquarters in Zapote in November, 1896. Evangelista was later appointed general director of natural resources and assigned to take charge of the construction of trenches.
Here is what Kalaw says about the trenches that Evangelista designed:
“Ang kuta ng mga manghihimagsik sa Cavite, na itinayo sa Aromahan, Zapote at sa Cavite Viejo, ginawa sa ilalim ng pangangasiwang teknikal ni Edilberto Evangelista, na nagtapos na inihinyera sibil sa Unibersidad ng Ghent, at kararating lamang mula sa Europa. Napakahusay ng pagkakagawa ng kuta kaya’t sinabi ng isang manunulat na Espanyol na ito na raw ang kutang pandarating ng panahon na dahil sa tibay ay hindi mawawasak o malusob ng mga kawal Espanyol.”

A fortification made by Filipino forces in Noveleta (Cavite), a crucial one since the town is a few kilometers away from the Spanish arsenal.https://archive.org/details/campaadefilipi00montuoft










The Caviteños, according to Corpuz (1997), built good defense works with strong embankments and trenches. The defense works in the Dalahican (Calero)-Binakayan was a major factor in repulsing the Blanco offensive. They also built extensive trenches in Zapote (Las Piñas) since it was the jumping-off point for enemy forces coming from Manila that would attack Bacoor in northern Cavite. By January 1897, the Zapote trenches extended to eight kilometers. These trenches and fortificaiond also served as refuge to townspeople. An example of this kind was the one built by the townfolks of Cavite Viejo. The fortification as described by Aguinaldo measures 600 meters long, six meters wide, four meters high, and three meters thick.

A fortification made by Filipino forces in Noveleta (Cavite), a crucial one since the town is a few kilometers away from the Spanish arsenal.https://archive.org/details/campaadefilipi00montuoft











This northern Cavite trenches were later redesigned and improved by Edilberto Evangelista. Before Evangelista came to Aguinaldo’s headquarters, the construction of trenches in Zapote between Manila and Cavite were constructed under the direct supervision of Aguinaldo. In his memoirs, Aguinaldo cited the cooperation of Licerio Topacio, Mariano Noriel, Gil Ignacio and others.
The eastern boundaries of Cavite were likewise fortified. Aguinaldo, on November 13, 1896, ordered the construction of trenches and fortifications on Sungay mountain to the south, and along the road to Carmona on the east. The trenches were constructed in gorges and narrow passes. The fortifications were effective in delaying the advance of the Lachambre Division in February 1897 to the mentioned area (Achutegui and Bernad, 1972, p. 58).

The area near the church of Bacoor was also fortified by the Filipino revolutionary forces. Because of its proximity to Las Pinas, Bacoor was the first town to be confronted by Spanish forces coming from Manila. https://archive.org/details/campaadefilipi00montuoft

















Historical accounts truly indicate that the Filipinos were indeed poorly armed. Insufficient arms and ammunition was a challenge in fighting the Spanish Army, who, with their long arms and other superior weapons, seemed invincible.

Tuesday, June 4, 2019

The Untold Chronicles of Gen. Aguinaldo in the Battle of Taguig-Pateros: Philippine Revolution 1897

by Jomar Encila

According  to  the  French  Consular  Dispatches  on  the  Philippine  Revolution  translated  by  Dr.  Luisa  T. Camagay, (1997) “  Since 01 January , there have been  daily encounters in the province of Manila, Bulacan, Pampanga, Laguna, Batangas, Bataan, Zambales with mixed results for the Spaniards.” 

This report includes the uprising in the neighbor-towns of Taguig and Pateros but was never elaborated into details. Unfortunately the  memories  of  valor  from  the  people  of  these  two  towns  are  neglected  in  the  course  of  the  history  of Philippine Revolution. Also, it is important to mention that General Emilio Aguinaldo, months before elected as president was also the key role player in the battle in Taguig-Pateros which took place on January 1-2, 1897, a battle in the province of Manila.

The geographical background of Taguig and Pateros is vital in understanding the whole context of the battle. Taguig and Pateros were both towns under the province of Manila when the revolution started. Taguig (Tagiik) is a coastal town located on the west of Laguna de Bay. It is surrounded by the towns of Paranaque and Makati to the west, and Muntinlupa to the south. Pasig river serves to be its boundary from Pasig and Pateros on its immediate north. Pateros is known for its balut-industry is located along the Pasig river and traversed by various rivers,which physical features make it suitable for domestication of ducks.    In short, the towns of Pateros and Taguig like Pasig are  gateway of traders in the  western  provinces (Manila)  and  east (Laguna).  It  also have  a relative distance between towns of Cavite like Bacoor, Imus and Dasmarinas connected by Muntinlupa or Las Piñas.





On  the  evening  of  December  30, 1896,  rebels  from  Pateros  and Taguig  traveled  to Imus,  Cavite  to seek General  Emilio Aguinaldo’s  assistance.  The  next  day,  December  31,  Gen. Aguinaldo  and  two  of  his  closest generals, Mariano Noriel and Pio del Pilar, made an overnight march to Taguig with his men. The occupation of the two towns would mean that the revolutionary forces would control the trade and communication between Manila and other lake shore towns.

  
The rebels were met with heavy fire in Taguig. In response, Gen. Aguinaldo ordered the encirclement of Spanish forces who sought refuge  inside the Santa Ana Church. While the Spaniards were  trapped inside the church and waiting for reinforcements, Gen. Aguinaldo assigned Gen. Noriel in Taguig and Gen. del Pilar in Napindan to monitor the enemies’ movements to bring military aid to the besieged Spaniards. Gen. Aguinaldo then went straight to Pateros and successfully repelled all enemy support from Pasig (across Pasig River) and a Spanish steamer from Manila. All of these initial victories were attributed to General Aguinaldo’s knowledge of turning the revolutionary forces’ position a great advantage.



Aguinaldo took Pateros’ convento as a temporary barracks for the night and had a meaningful conversation with the Parish Priest; Fray Tomas Espejo. An unexpected incident took place when Predicador General de San Agustin, Fray Anselmo Corcuera grabbed a rifle and point it to the general. However, Gen. Aguinaldo was saved from an imminent death after the curra parroco, immediately stopped Fray Corcuera and said:

 - Suelta el riple, hombre, yo respondo por tu vida en estos momemntos, nada nos pasara, Ten encuenta, que Emilio Aguinaldo, y su gente todos son caballeros”

(bitiwan  mo  ang  baril,  tao  ka,  sinasagutan  ko  ang  buhay  mo  sa  mga  sandaling  ito,  wala  tayong  dapat ipangamba, alamin mo na si Emilio Aguinaldo at ang mga tao niya ay pawang mararangal)
Flores, Pateros at ang Paghihimagsik nito: 1928 P 60

After the confrontation, Fray Espejo had the opportunity to have a meaningful conversation over a dinner with Gen. Aguinaldo. In his Historia o relacion circunstanciada del generalissimo de Cavite Emilio Aguinaldo por los Pueblos de Taguig y Pateros, Fray Espejo has some good words about the general which also mentioned Andres Bonifacio.



“He is of humble character, but energetic when he gives orders to his subordinates. He was a student of San Juan de Letran and speaks Spanish fairly well. He  is young and of good build, dressed in rayadillo like our troops  and  carries  no  inisgnia,  of  any  kind.  He  laid  great  emphasis  on  the  good  treatment  accorded  the prisoners in Cavite, referring no doubt to those in his hands, as those in the hands of Andres Bonifacio were no so treated”


     After having dinner, Aguinaldo went back to the lines with his men. Hostilities continued the next day (January 2)  in  the  barrios  of  Santa  Ana  in  Taguig  and  other  places  like Mamangkat,  Sta.  Ana  (Pateros)  Suwaboy, Libingang Ingles. Another reinforcement from Manila (two lanchas) was repelled by Aguinaldo’s forces from Malapad na Bato (Pateros).

    The revolutionaries’ success proved to be temporary. In the same day, afternoon, a strong Spanish relief group led by Gen. Francisco Galvis arrived in Napindan and successfully forced the Filipinos to withdraw.

     French Consular French Consular Dispatches on the Philippine Revolution states that:

         “After  a  long  and  hard  fight,  a  column  of  reinforcements  sent  by  Gen,          (Francisco)  Galvis  came  to  the assistant of the soldiers and chased off more than 4 000 insurgents.”

     The  main  objective  of  the  attack  is  not  only  to  free  Pateros-Taguig  but  to  take  Pasig  river  as  a  gateway  to Laguna  de  Bay.  Controlling  the  main  thoroughfare  between  Intramuros  and  Laguna  de  Bay  will  give  the Filipinos an edge over the two important elements: trade and communication. With Pasig, Taguig and Pateros under  Aguinaldo’s  forces  will  prevent  the  Cavite  blockade  that  Polavieja’s  planning.  Such  attack  will  also isolate Laguna from enemies military aid.



After  the  battle,  the  line  of  communication  between  the  Spanish  forces  through  Fray  Tomas  Espejo,  and  the revolutionary forces with General Emilio Aguinaldo was opened. Fray Espejo, encouraged Gen. Aguinaldo to surrender the revolution. But th general eagerly refused to accept it as written in one of his replies to the parish priest:



…My subjects and I are seeking the holiest of our rights, which is the liberty of our race from the slavery in which it has been oppressed for more that three centuries” Therefore we are resolved to sacrifice our lives until that  day  comes  when  we  can  hear  from  the  lips  of  our  compatriots  the  happy  phrase:  “Viva  Filipinas!”  A Philippines separated forever from Spain, and won by the heroism of its inhabitants.



.  (Achutegui,  S.J.,  Pedro  S.  de,  and  Miguel  A.  Bernad,  S.J.  Aguinaldo  and  the  Revolution  of  1896:  A Documentary History 1972.)

The battle of Taguig and Pateros proves that General Emilio Aguinaldo’s victories in Cavite allowed him to be known as a great revolutionary leader. Hope is what General Aguinaldo brought to the towns as they heard of victories that they never heard and people never had with Bonifacio. The act of people from the two respective towns  reflects  what  happened  in  the  election  in  Tejeros  when  majority  of  the  people  decided  that  a  great revolutionary leader with evident tactics and strategy should take the wheel to independence.

Monday, March 25, 2019

Pruweba nga ba ang Marso 22, 1948 sulat kamay ni Aguinaldo na siya ang nagpapatay kay Bonifacio?

ni Basilio Ibabawan
Maraming umaakusa kay Aguinaldo na ipinapatay niya si Bonifacio dahil sa kanyang sulat kamay niya na may petsang Marso 22, 1948. Itong sulat daw na ito ay pagamin ni Aguinaldo na inutos niyang ipapatay si Bonifacio. Halatang-halata na hindi nagsaliksik o talagang di alam ang dahilan kung bakit naglabas si Aguinaldo ng ganitong sulat. Kaya nararapat isalaysay ang pinagmulan ng sulat upang maliwanagan ang tunay na pangyayari.
Mapapansin na ang petsa ng sulat ay Marso 22, 1948, ilang dekada na ang nakalipas kung bibilangin mula sa araw ng pangyayayari. Bakit noon lang ito sinulat ni Aguinaldo? Ayon kay Aguinaldo mas minabuti niyang manahimik sa usapin tungkol sa nangyari sa magkapatid dahil ayaw niyang pagsimulan ito ng sigalot lalo na't tayo noon ay hindi pa malaya.
Ngunit noong Marso 22, 1947 nagkaroon ng pagdiriwang sa kanyang tahanan sa Kawit para sa ika-78 niyang kaarawan na dinaluhan ng maraming tapat na kabigan, tagasunod at tagasangguni. At dahil ika-50 ding kaarawan ng pulong sa Tejeros tinanong siya kung tutuo ang pahayag ni Heneral Pio del Pilar na di umano'y huli na nang natanggap ni Heneral Mariano Noriel ang patawad dahilan sa siya (si Aguinaldo) ay nasa isang ilang na lugar at nangangalap ng mga tauhan upang makatulong sa hukbong nagagapi na ng mga Kastila. Sa kaunaunahang pagkakataon nagsalita si Aguinaldo tungkol sa pangyayari sa magkapatid na Bonifacio at ang sagot niya ay "...iyan ay walang katotohanan." Dugtong pa niya na talagang tanto na nina Del Pilar at Noriel ang tungkol sa patawad bago pa man binaril ang magkapatid dahil noong ilabas niya ito ay agad-agad siyang nilapitan ng dalawa at nagsumamo na bawiin ang patawad at ipatupad ang hatol ng Korte Militar para sa kapakanan ng himagsikan at kapanatagan ng bayan.
Nang okasyon ding iyon, nagunita ni Aguinaldo ang pagbisita ng isang manunulat na may dalang kasulatan na pinalalagdaan sa kanya. Kinuha niya ang kopya ng nasabing sulat sa kanyang silid at ipinakita sa mga bisita. Itinuro niya ang dalawang talata na nagsasaad na di umano'y huli na ng matanggap ni Heneral Noriel ang indulto kaya natuloy ang pagbaril sa magkapatid na Bonifacio. Hindi niya nilagdaan ang kasulatan at sinabi niya sa manunulat na hindi tutuo ang sinasabi doon at siya'y magsisinungaling kung kanyang lalagdaang. At dugtong pa niya, dapat aniya katotohanan ang masulat sa kasaysayan.
Kaya naman pagsapit ng kanyang ika-79 kaarawan ng Marso 22, 1948, at bilang handog sa alaala ng himagsikan at pagtatama ng kasaysayang ng sambayanang Pilipino ay minarapat ni Aguinaldo na sulatin ang tunay na pangyayari. At ito na nga ang sulat kamay niyang may petsang Marso 22, 1948.
Kung babalikan ang pangyayaring noong May 10, 1897, hindi si Aguinaldo ang nagpataw ng parusang kamatayan kundi ang Korte Militar na lumitis sa magkapatid. Sapagkat ang hatol ay siyang buod ng makatuwirang parusang iginawad sa magkapatid at ito ay may matibay na tinitindigan - ang pagtataksil ni Bonifacio sa pamahalaan, lalo't na nagawa niya ito sa panahon pa naman ng giyera, bagay na nakatulong sa kalaban. Kung tawagin ito sa Ingles ay "treason", or kataksilan, at ang katapat na parusa na naging kaugalian ng militar saan man pook ng mundo ay kamatayan sa pamamagitan ng bitay o pagbabaril.












Ano nga ba ang mga kasalanan ni Bonifacio? Dapat pagusapan ito upang lumabas ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay. Makikita sa pagsusuri na si Bonifacio mismo ang nagtulak sa kanyang sarili tungo sa kamatayan. Narito ang mga kasalanan ni Bonifacio: Una, hindi niya kinilala at nilabanan pa nga ang pamahalaan; Ikalawa, naglunsad siya ng kudeta; Ikatlo, nagtayo ng sariling hukbo; Ika-apat, inatake ang bayan ng Indang; Ika-lima, nakipagbarilan sa mga umaarestong kawal na naging sanhi na pagkamatay na isa niyang kapatid na si Ciriaco at dalawang kawal ng pamahalaan; at, Ika-anim, binalak niyang patayin si Aguinaldo na isasagawa sana niya kung hindi natutop ang kanyang sinimulang kudeta. Malaki ang pagkakasala ni Bonifacio, hindi biro-biro, lalo't naging sanhi ng pagkakahati-hati ng hanay ng mga rebolusyonaryo na maaring naging mitsa ng isang giyera sibil kung hindi naagadan.
Kaya nga nasabi ni Mabini na kung sa kanya nangyari ang ginawa ni Bonifacio, wala nang paglilitis, baril agad.
Ang batis: ang mga binanggit ko rito ay hango sa aklat ni Jose P. Santos, na pinamagatang "Andres Bonifacio" nalimbag noong 1948 at ang aklat ni Carlos Ronquillo, "Ilang Talata Tungkol sa Paghihimagsik Nang Taong 1896-1897", nalimbag noong 1996, pati na ang kay Onofre D. Corpuz, "Saga and Triumph" at ang alaala ni Santiago Alvarez.

#TuklasPilipinas
#NoHateHistory

GINAHASA BA SI GREGORIA "ORYANG" DE JESUS ?

ni Virgilio Leynes Walang katibayan o salaysay na nagpapatunay na si Gregoria de Jesus (Oryang), ang magandang maybahay ni Supremo Andres Bo...